Vaccination para sa mga Senior citizen kailangang mas palakasin pa
Dapat na mas mapataas pa ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga senior citizen bago pag-usapan ang pagbaba pa ng alert level sa Metro Manila.
Paliwanag ni Health Usec. Myrna Cabotaje, maraming lugar pa sa National Capital Region ang medyo mababa pa ang vaccine coverage sa mga A2 o Senior citizens.
Sinabi ni Cabotaje na bagamat sa NCR, ay 100% na ng eligible population ang nabigyan na ng 1st dose at 99% naman ang fully vaccinated, kapag tiningnan ang mga nasa priority group, mababa parin ang sa A2.
Bukod rito, kailangan din aniyang palakasin ang booster dose vaccination sa NCR.
Ang NCR ay mananatili sa Alert level 2 hanggang sa Pebrero 28.
Sa pinakahuling datos, nasa 61.4 milyong indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated.
Madz Moratillo