Vaccination program at pamamahagi ng cash assistance , tuloy tuloy na isinasagawa sa QC
Kabi-kabila ang proyekto ng lokal na pamahalaan ng Quezon city upang makapagbigay ng tulong sa QC netizens kababayan kasabay ng umiiral na community quarantine.
Kaugnay nito, namahagi ng mga saklay at wheelchairs sa persons with disability o PWDs sa ibat ibang lugar sa QC partikular sa district 5.
Bukod dito, namahagi din ng hygiene kits para sa mga street sweepers ng Old Capitol, Personal Protective Equipment (PPE) sa mga health workers sa Rosario Maclang Hospital habang grocery packs naman para sa mga pamilyang nakatira sa special concern lockdown areas ng District 2.
Samantala,tuloy tuloy din ang isinasagawang vaccination program sa ilang barangay sa QC, tulad sa Villa Espana Barangay Tatalon para sa mga senior citizen o ang mga kabilang sa A2 AT mga taong may comorbidities o ang A3 group sa pamamagitan ng barangay assisted booking.
Inanunsyo din ng lokal na pamahalaan habang hinihintay ang dagdag na bakuna laban sa COVID- 19 mula sa Department of Health, hindi muna tatanggap ng online booking sa eZconsulta website para sa first dose.
Tungkol naman sa isinasagawang cash assistance, kabilang sa mga barangay sa QC na may schedule ng pamamahagi ng cash assistance sa araw na ito ay ang barangay commonwealth kung saanang venue ay sa Manuel Luis Quezon Elementary School.
Ito ay sakop ng district 2, at sa barangay pasong tamo na ang venue ay sa servants of charity na ito ay sakop naman ng district 6.