Vaccination program ng mga LGU, pinabibilisan kasunod ng pagdating ng bulto ng mga Covid-19 vaccine
Nanawagan si National Task Force (NTF) against Covid-19 chief Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga lokal na pamahalaan na bilisan pa kanilang ang vaccination activity dahil sa inaasahang sunud-sunod na pagdating sa bansa ng mga bakuna kontra Covid-19.
Hinimok ni Galvez ang mga LGU na lumikha ng mga paraan at makipag-ugnayan sa militar, stakeholders at private sector.
Maaari aniyang gamitin ang mga mall, ospital, sports center at iba pang pasilidad bilang vaccination sites.
Kahapon, dumating ang 720,000 doses ng Sputnik V vaccine mula ng Russia at karagdagang 200,000 doses ng government-procured Pfizer COVID-19 vaccines.
Dahil dito, umaabot na sa higit 91.5 million doses ng iba’t-ibang brand ng bakuna ang natanggap ng Pilipinas simula noong Pebrero.
Ayon kay Galvez, hindi na aniya problema ngayon ang suplay kundi ang pagsasagawa at pagpapabilis ng pagbabakuna.
70 milyong Pinoy ang target ng gobyerno na mabakunahan bago matapos ang taon upang makamit ang population protection.