Vaccination program ng QC, tuluy-tuloy
Kahit pa tinapos na ang kontrata ng Quezon City government sa EzConsult Zuellig Pharma ay ipinagpatuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga nakapagpa-book na sa nasabing online system.
Ang mga nakakuha ng schedule para sa July 1,2,3,5 at 6 ay pinayuhan ng city government na magtungo sa mga oras at lugar na itinalaga para sa kanila.
Ito ay dahil valid pa rin ang naging booking sa kanila ganundin ang mga naka-schedule para sa second dose.
Samantala, bahagi na rin ng vaccination program ng lungsod ang mga ahensya ng gobyerno at mga manggagawang nagtatrabaho sa lungsod.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, mahigit sa 10,000 empleyado ng 62 ahensya ang nabakunahan na nasa kategoryang A1, A2, A3 at A4.
Kabilang sa mga ahensyang ito ang Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture, National Housing Authority, Commission on Higher Education, National Power Corporation at iba pa.
Sinabi ni Mona Yap, officer-in-charge for vaccination of government agencies, para sa ahensyang may malalaking bilang ng empleyado ay nagset-up ng sariling vaccination site ang mga ito na may sarili rin nilang medical team at ang city government naman ang magpo-provide ng bakuna.
Ngunit para sa mga kumpanyang nasa 10-20 empleyado lamang ay nagse-set sila ng schedule sa mga vaccination sites na inilaan ng lungsod.