Vaccination program sa Maynila para sa A1, A2 at A3 group, ipinagpatuloy ngayong araw
Ipinagpatuloy ngayong araw ng Pamahalaang Panglunsod ng Maynila ang pagbabakuna sa mga Medical Frontliners (A1 group), Senior Citizens (A2 group), at Persons with comorbidities (A3 group).
Ito ay para sa first dose vaccination ng mga bakunang Sinovac.
350 doses ng bakuna ang inilaan sa bawat sites partikular sa Isabelo Delos Reyes Elementary School (District 1) at Ramon Magsaysay High School (District 4).
Paalala ng City Government sa mga may comobidity, dalhin ang alinman sa mga sumusunod na dokumento:
– Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan);
– Prescription ng maintenance na gamot (sa loob ng anim na buwan);- Hospital records tulad ng discharge summary o medical abstract;
– Surgical at pathological records.
Ipakita lamang ang printed waiver form o QR code para sa verification.
Dalhin lang din ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.