Vaccination sa Maynila , natuloy parin sa gitna ng walang tigil na buhos ng ulan
Sa gitna ng walang tigil na buhos ng ulan, tuloy parin ang bakunahan sa Maynila.
Paliwanag ni Manila Mayor Isko Moreno, hindi naman nagpapahinga ang COVID- 19.
Para naman maiwasan ang siksikan hinihikayat ng alkalde ang mga magapapabakuna na pumunta sa ibang oras.
Ang vaccination sa Maynila ay mula 6am hanggang 7pm.
Binisita naman ni Mayor Isko ang San Andres Sports Complex na kahapon ay bahagyang nagkagulo dahil sa mga nagpilit makapasok kahit tapos na ang cut off.
Kinausap rin ng alkalde ang ilang mga nagpapabakuna na mukhang naiinip na sa paghihintay na silay maturukan.
Sa pag-iikot ng alkalde sa pasilidad, nadismaya naman ito ng makita ang tambak na basura kaya pati siya ay tumulong na sa paglilinis.
Ayon sa Manila Public Information Office, mula sa inisyal na 2 libong doses ng COVID-19 vaccine sa San Andres site ay dinagdagan pa ito at ginawa ng 2,997.
Madz Moratillo