Vaccination simulation activity laban sa COVID-19, isinagawa sa Tabuk city, Kalinga
Nagsagawa ng vaccination simulation activity, ang city health office (CHO) sa Tabuk city, Kalinga na ginanap sa STS gymnasium nitong Huwebes, Marso a-4.
Ang aktibidad na nilahukan ng city at municipal health officers mula sa iba’t-ibang munisipalidad, ay bilang paghahanda sa pagsasakatuparan ng vaccination program, alinsunod na rin sa ipinahayag ng national government.
Kayunin nito na matiyak ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan at iba pang kinauukulang mga opisyal, na handa na ang nasabing syudad sa pagsasagawa ng vaccination program.
Binanggit din sa aktibidad, na ang mga prayoridad sa programa ay ang frontline workers mula sa private o public health facilities, health professionals at maging ang non proffesionals gaya ng mga estudyante, nursing aides, janitors, at barangay health workers.
Ulat ni Xian Renzo Alejandro