Vaccine centers sa Los Angeles, pansamantalang isinara dahil sa kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccines
LOS ANGELES, United States (AFP) — Dahil sa lubhang kakapusan ng bakuna, pansamantalang isinara ang limang pangunahing vaccine centers sa Los Angeles, sa kabila nang nangunguna ang California sa may pinakamaraming naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa America sa linggong ito.
Ayon kay Mayor Eric Garcetti . . . “We’re vaccinating people faster than new vials are arriving here in Los Angeles, and I’m very concerned right now. The vaccine supply are uneven, unpredictable and too often inequitable.”
Sinabi ni Garcetti, na ang Los Angeles na may apat na milyong residente ay nakatanggap lamang ng 16,000 doses ng bakuna ngayong linggo, sa kabila nang higit 13,000 libong doses ang kanilang naibigay araw-araw sa nakalipas na mga linggo. Ang lungsod ay nakapagbigay na ng 293,000 shots ng bakuna.
Dagdag pa ng alkalde, ang unang injections ng Moderna vaccine ay naubos na nitong Huwebes, at ang vaccination sites kasama na ang Dodgers baseball stadium na isa sa pinakamalaking vaccination site sa bansa, ay hindi inaasahang magbubukas hanggang sa susunod na Martes.
Hanggang sa muling makapagbukas, ang inoculation services sa mga nakapaligid sa Los Angeles county ay magiging restricted lamang para sa second shots.
Sa ngayon, tanging health workers, nursing home residents, at mga residenteng higit 65-anyos na ang edad ang pwede pa lamang bigyan ng bakuna.
Gayunman, inanunsyo ng health authorities na plano nilang palawakin ang pagbabakuna sa iba pang “essential” professions, tulad ng mga guro sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo.
Karamihan sa mga eskuwelahan sa Los Angeles ay sarado na mula pa noong Marso dahil sa pandemya, ngunit tumitindi ang political at public pressure para muli nang buksan ang mga paaralan.
Sa kabila ng kamakailan ay malaking pagbaba sa bilang ng mga kaso sa mga estado ng America, nalampasan ng California ang New York bilang US state na may pinakamaraming naitalang namatay dahil sa COVID-19.
Higit 45,000 Californians ang nasawi dahil sa coronavirus.
Ang estado ay binabatikos din dahil sa mabagal at lubhang komplikadong paglulunsad ng bakuna.
Habang maraming matatanda, police at emergency rescue workers ang nasa waiting list, may ilang cannabis store workers na nabakunahan na batay sa ulat ng Los Angeles Times.
Sa California, ang cannabis ay hindi lamang legal kundi ibinibilang na gamot, kayat ang dispensary staff ay napabilang na rin sa “medical worker” status at kasama sa unang nabakunahan laban sa COVID-19.
Samantala, ngayong linggo ay kinumpirma na rin ng California ang kauna-unahan nilang mga kaso ng South African variant.
© Agence France-Presse