Vaccine certificate, puwedeng magamit sa international travel
Maaaring magamit ang vaccine certificate sa mga nais bumiyahe sa ibang bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Manny Caintic, na ang mga vaccine certificate ay alinsunod sa standard ng World Health Organization Digital certificate kaya kikilalanin din sa ibang bansa.
Hihintay na lamang aniya nila ay ang pagsusumite ng mga lokal na pamahalaan ng listahan ng mga nabigyan ng bakuna sa National Task Force on Covid-19.
Una nang tiniyak ng DICT na hindi basta mapepeke o magagaya ang mga vaccine certificate dahil ito ay private key encrypted.
Madali din itong i-verify dahil magkakaroon ng verification system sa ports of entry and exit ng bansa.