Vaccine Czar Carlito Galvez, magbibigay ng update kay Pangulong Duterte sa negosasyon sa pagbili ng bakuna laban sa Covid-19
Magsusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang report si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez hinggil sa development sa negosasyon ng Pilipinas sa planong pagbili ng anti- COVID-19 vaccine. Sinabi ni Secretary Galvez na nasa advaced stage ng negotiation na ang Pilipinas sa mga kompanyang pagbibilhan ng bakuna laban sa COVID 19. Ayon kay Galvez kabilang sa mga pharmaceutical companies na malapit ng maisara ang negosasyon ay ang Sinovac ng China, Sputnik V Gamaleya ng Russia, AstraZeneca ng United Kingdom at Pfizer ng Amerika. Inihayag ni Galvez inasahan na ang Sinovac ang unang bakuna na makakapasok sa bansa sa buwan ng Marso na may 25 milyong doses. Niliwanag ni Galvez na ang pangunahing konsiderasyon ng bansa sa pagpili ng bakuna laban sa COVID 19 ay ang safety at availability. Vic Somintac
Please follow and like us: