Vaccine storage facility ng Manila LGU handa na sa pagdating ng COVID-19 vaccines
Sisimulan na ng Manila LGU sa Linggo ang operasyon ng kanilang COVID-19 Vaccine Storage Facility.
Ito ay matapos makumpleto na ang 12 freezers para sa kanilang Storage Facility.
Dumating na rin kasi ang 3 biomedical freezers para sa Pfizer COVID-19 vaccines.
Ang cold storage facility ng Maynila ay kaya umanong makapag accommodate sa anumang brand ng bakuna.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla na may mga nakalatag na silang back up generator sa vaccine storage facility sakaling magkaroon ng power interruption.
May 11 CCTV cameras din aniya sa pasilidad at 6 na data loggers para masiguro ang seguridad ng mga bakuna.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno sa oras na dumating na ang mga bakuna ay mula Lunes hanggang Linggo ang kanilang magiging operasyon.
Hindi aniya sila titigil hanggat hindi natatapos ang pagbabakuna.
Madz Moratillo