Validated election hotspots ipalalabas na sa susunod na linggo – PNP
Sa susunod na linggo inaasahang ipalalabas na ng Philippine National Police (PNP) ang validated at kumpletong bilang ng mga Election hotspot para sa Mid-term elections 2019.
Ayon kay PNP Spokesperson General Benigno Durana, isinasailalim pa sa validation ng PNP ang nauna nang idineklarang mahigit 800 mga Election hotspot.
Nilinaw naman ni Durana na ang mga tinaguriang areas of concern ay base na rin sa kanilang historical data na naitala noong panahon ng Barangay at SK elections.
Hindi naman matiyak ni Durana kung madaragdagan o mababawasan ang mga Election hotspot.
“Continuous pa rin yung validation natin, baka yung iba natanggal na dun o baka may nadagdag pa. So depende yun sa assessment ng ating mga Field commanders from Regional to Provincial unit and hopefully we’ll have a clear picture next week ng mga hotspots.