Validity ng notarial commissions, pinalawig muli ng SC hanggang sa June 30, 2022
Pinalawig ng Korte Suprema ng anim na buwan o hanggang June 30, 2022 ang validity ng notarial commissions na nakatakdang magpaso sa katapusan ng taon.
Ito ay bunsod pa rin ng mga paghihigpit dahil sa nagpapatuloy na pandemya.
Ayon sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, ang mga notaries public na ang termino ay deemed extended ay makapagpapatuloy sa pagsasagawa ng notarial acts gamit ang existing seals.
Ito na ang ikatlong extension ng notarial commission na pinagtibay ng Korte Suprema mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Moira Encina
Please follow and like us: