Vanity o beautification projects ng gobyerno, nais gawing online na lamang
Inirekomenda ni Senador Imee Marcos na ipagbawal muna ang pagbiyahe, malalayong training at mga tinaguriang Vanity o Beautification project ngayong matindi ang epekto ng oil price hike.
Ayon kay Marcos, maari namang isagawa ang training sa pamamagitan ng online para makatipid ang gobyerno.
Maaari rin aniyang bawasan ang araw ng pasok sa mga tanggapan para makatipid sa paggamit ng kuryente at gasolina habang may nararanasang krisis ang buong mundo dahil sa epekto ng mataas na presyo ng krudo.
Sinabi ng Senador na ginawa na sa panahon ng kaniyang ama ang ganitong pagtitipid nang magkaroon rin ng tinawag niyang oil shock.
Kung makakatipid mayroon aniyang malilikom na savings para ibigay na ayuda sa sektor ng transportasyon na pinaka apektado na ng hagupit ng oil price increase.
Meanne Corvera