Vape at E-cigarettes sa mga pampublikong lugar, ipagbabawal na ng DOH
Ipagbabawal na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng mga e-cigarettes at vapes sa mga pampublikong lugar.
Magiging saklaw na rin ito ng Smoking ban.
Sa panayam ng agila balita, sinabi ni DOH Undersecretary Eric Domingo na marami kasing harmful chemicals ang taglay ng mga vapes sa mga nakakasinghot nito lalu na sa mga second-hand smokers.
Gaya ng mga pagbabawal sa mga naninigarilyo, bawal din ang vaping sa mga public places gaya ng mga matataong lugar, mga pampublikong sasakyan at pinapayagan lamang sila sa mga deisignated areas na nakasaad sa batas.
Ang vaping ban ay magiging epektibo 15 araw matapos itong mailathala.