Varicose veins, hindi dapat na ipagwalang bahala, ayon sa mga eksperto
Marami sa mga kababayan natin lalo na sa panig ng kababaihan ang may Varicose veins.
Ang Varicose veins ay sanhi ng pamumuo ng dugo o blod clots o sa medical term ay venous thrombosis.
Ayon sa mga dermatologist, hindi dapat ipagwalaang bahala ng sinoman kapag siya ay may Varicose veins dahil maaari itong maging sanhi ng pagkamatay.
Paliwanag ng mga eksperto, kapag anila naiba ang posisyon ng ugat sa katawan, maiiba din ang direksyon ng dadaluyan ng dugo at maaaring ito ay mapunta sa baga, — na magdudulot naman ng tinatawag na “pulmonary embolism” na ito ang magiging dahilan ng kamatayan.
Kaya naman, para hindi humantong pa sa malalang kundisyon, mahalagang magpatingin agad sa eksperto, kapag nakita na mayroong varicose veins.
Ulat ni: Anabelle Surara