VAT sa produktong petrolyo, ipinasususpinde
Ipinasususpinde muna ni Senator Imee Marcos, Chairman ng Senate committee on Economic Affairs ang ipinapataw na Value Added Tax (VAT) sa mga produktong petrolyo.
Ito’y habang matindi pa ang epekto ng COVID-19 pandemic at marami pang negosyo ang lugmok sa kasalukuyan.
Sinabi ni Marcos na nakakabahala ang sunod sunod na oil price hike na hindi malayong magkaroon rin ng domino effect sa presyo ng mga pangunahing pagkain lalo na sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Senador mula lamang Enero 2021, pumalo na sa 13 pesos kada litro ang itinaas ng gasoline habang ; 10 pesos sa kada litro ng diesel.
Kung pansamantalang masuspinde ang 12% VAT sa langis, sinabi ni Marcos na malaking ginhawa ito sa mga motorista at mga konsyumer.
Meanne Corvera