VaxCert PH, tinatanggap na sa EU –DFA
Kinikilala at tinatanggap na ng European Union (EU)
ang COVID-19 digital vaccination certificate ng Pilipinas o VaxCertPH.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagkakapasok ng VaxCertPH sa European Union Digital COVID-19 Certificate (EU DCC) system ay nangangahulugan na magagamit ito sa lahat ng member states at sa loob ng EU community.
Ang holders naman ng EU DCC ay kikilalanin din pagpasok sa international ports sa bansa.
Sa nakaraan, ang recognition ng VaxCertPH ay sa pamamagitan ng bilateral arrangements sa EU members.
Bunsod ng pagkakatanggap sa EU DCC, ang VaxCertPH ay isa na sa pinakarecognized na vaccination certificates sa buong mundo o sa kabuuang 94 bansa at teritoryo.
Sinabi ng DFA na dahil sa “landmark accomplishment” na ito ay matitiyak ang mabilis, maayos, at ligtas na biyahe at paggalaw ng mga Pilipino papunta at sa loob ng EU at iba pang mga hurisdiksyon na sumusunod sa EU DCC standard.
Moira Encina