vaxcertph portal, sinimulan ngayong araw
Sinimulan na ngayong araw ang soft launch ng vaxcertph portal para sa pamamahagi ng digital covid-19 Vaccination Certificates sa mga nakatanggap na ng dalawang dose o fully vaccinated sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magiging prayoridad sa pag-iisyu ng digital Vaccination Certificates ang mga papaalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga papunta sa abroad na mga residente sa Metro Manila at Baguio City.
Ang mga OFW at iba pang mga Pinoy na papunta sa abroad ay dapat magkaroon ng Vaccination Certificates sa portal na vaxcert.dohgov. ph.
Kaugnay nito, sinabi ni Roque na bubuksan din sa publiko ang vaxcertph portal sa mga susunod na araw.
Sa Navotas City, nagtayo si Mayor Toby Tiangco ng vaxcert booth sa mismong City Hall lobby para sa mga walang access sa internet at gadget.
Sinabi ng alkalde na ang mga aplikante ay dapat magdala ng dalawang government-issued IDs at vaccination card na katunayang fully vaccinated na sila.
Edison Domingo Jr.