Venue ng pagdarausan ng filing of COC para sa National position, ililipat ng Comelec
Ililipat ng Commission on Elections ang venue ng pagdarausan ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa national position para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.
Sinabi ng Comelec na mula sa kanilang main office sa Maynila, gagawin na ito sa isa sa mga tent sa Sofitel sa Pasay city.
Dito maaaring maghain ng kanilang COC ang mga kandidato sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at Partylist Representatives.
Comelec Commissioner Marlo Casquejo:
“Ang nangyayari dito – puno ang Intramurtos kaya we transfer in a bigger venue to make sure filer as well maprotektahan natin”.
Bago payagan ang paghahain ng COC, isasailalim rin ang mga kandidato sa antigen test para matiyak na ang magtutungo roon ay hindi carrier at hindi na magkakalat ng virus.
Samantala, hindi na palalawigin ng Comelec ang voters registration kahit marami ang hindi pa nakakapagparehistro.
Sabi ni Casquejo, nagdesisyon na ang Comelec en Banc na huwag nang palawigin sa kabila ng apila ng mga mambabatas dahil gagahulin nasila sa paghahanda para sa halalan.
Samantala, muling magsasagawa ang Comelec ng ikalawang internet voting test run mula sa September 18 hangang 20 sa kanilang supplier na smartmatic.
Magsisimula ito ng alas-8:00 ng umaga at ipapaskil sa Comelec website ang magiging voting list.
Meanne Corvera