Vice President elect Sara Duterte Carpio , naiproklama na
Naiproklama na rin bilang pangalawang Pangulo ng bansa si Vice president elect Sara Duterte Carpio.
Si Sara ay nakakuha ng 32, 208, 417 na boto sa nakalipas na halalan.
Tinaguriang Agila ng Davao city at sinasabing mas matindi itong magdesisyon .
Bilang agila, malinaw ang mata at isipan dahilan para tawagin ding action lady.
Swak ang kanyang katangian para maging ka-tandem ng tigre.
Napatunayan iyon sa halos magkasingdami sila ng boto ni BBM.
Tama ang kanilang chemistry ng tigre at pinagkaisa nila ang Katimugan at Norte.
Dahil naging ina ng lungsod, bihasa na si Inday Sara na mangasiwa ng komunidad.
Mula sa pagpapagana ng ekonomiya ng lungsod, edukasyon, kalusugan at seguridad ay kayang-kaya niyang gampanan ang maging ikalawang Pangulo ng Pilipinas.
Bukod pa sa kanyang tinapos na BS Respiratory Therapy noong 1999, noong 2005 naman ay natapos niya ang kursong Law sa San Sebastian College at nang taon ding iyon ay nakapasa sa Philippine Bar Examination.
Isang reserved officer din ng Armed Forces of the Philippines at may ranggong Colonel si Inday Sara.