Vice-President Leni Robredo hinamong isapubliko na ang report sa War on Drugs
Hinamon ni Senador Christopher Bong Go si Vice President Leni Robredo na ispaubliko na ang mga natuklasang impormasyon sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.
Sinabi ni Go na karapatan ng bawat Pilipino na marinig ang mga hinahawakang impormasyon ng Bise-Presidente at kung ano ang epekto nito sa War on Drugs ng pamahalaan.
Noong isang linggo pa aniya sinasabi ni Robredo na mayroon siyang isisiwalat na report pero nakapagtatakang itinatago nito ang impormasyon.
Nais malaman ng Senador kung may basehan si Robredo sa kaniyang mga alegasyon.
Una nang tiniyak ng administrasyong Duterte na hindi sila natitinag sa tila pagbabantang pahayag ni Robredo na mayroon siyang mga isisiwalat na natuklasan sa kampanya kontra illegal drugs sa loob lamang ng 18 araw niya bilang co-chair ng ICAD o Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Ulat ni Meanne Corvera