Vice-President Leni Robredo, naghain ng Motion for Reconsideration sa PET

 

Inapela ni Vice-President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal o PET ang resolusyon nito na nagbabasura sa kahilingan niya na ikonsidera bilang valid votes ang 25 % shading sa balota.

Sa motion for reconsideration na inihain ni Robredo, hiniling nito sa PET na isantabi ang nasabing resolusyon noong April 10 at ibaba ang threshold percentage sa 25% sa isinasagawang manual recount sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos.

Muling inihirit ni Robredo sa PET na atasan ang mga head revisors na gamitin ang 25% threshold percentage sa pagbilang ng mga boto sa recount.

Sa resolusyon ng PET, sinabi na walang batayan para ipatupad ang 25 percent threshold sa pagdetermina ng valid vote.

Iginiit ng Tribunal na wala silang nalalaman na alinmang Comelec Resolution na nagtatakda ng 25-percent threshold sa shading ng balota para ituring na valid vote.

Ipinaliwanag pa ng PET na ang final reduction at final addition sa mga boto ay mangyayari lamang kapag napagpasyahan na ng tribunal ang mga objections ng mga partido sa kaso.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *