Vice-Presidential spokesman Atty. Barry Gutierrez, nilektyuran ni Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo ukol sa batas
Rumesbak ng lecture sa batas si Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo sa Presidential Spokesman ni Vice President Leni Robredo na si Atty Barry Gutierrez.
Kasunod na rin ito naging pahayag ni Gtiterrez na dapat repasuhin ni Panelo ang administrative law sa gitna ng iginigiit ng kampo ng Bise Presidente na dapat maamyendahan ang Executive Order Number 15 ni Pangulong Duterte gayung wala namang posisyong co-chairman sa Inter-agency Commission on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Panelo, mukhang si Guiterrez ang nangangailangang mag- review sa batas gayung ang appointment powers ng Presidente ay sapat na para magkaruon ng papel si VP Leny sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Binanggit ni Panelo ang itinatakda ng Article 7, Section 17 of the 1987 Constitution and Book III, Title III, Chapter 10, Section 31 of the 1987 Administrative Code.
Inihayag ni Panelo na basic legal doctrine na ang Punong Ehekutibo ay may executive power at may kontrol sa lahat ng mga tanggapang nasa ilalim ng Executive Branch bukod pa sa may kapangyarihan itong lumikha ng posisyon at item sa byurukrasya.
Nilinaw ni Panelo, labag sa kalooban niyang i- educate ang isang miyembro ng bar pero kailangan aniyang repasuhin ni Guiterrez ang kaalaman nito sa batas.
Ulat ni Vic Somintac