Video Conferencing hearings sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ, tuloy pa rin

Patuloy pa rin ang video conferencing hearings sa mga piling hukuman kahit niluwagan na ang lockdown at umiiral na ang General Community Quarantine sa ilang bahagi ng bansa.

Binanggit ni Court Administrator Jose Midas Marquez na naging matagumpay ang videonconferencing hearings ng mga otorisadong Korte kung saan mahigit 7,000 virtual hearings ang naidaos at mahigit 22,000 inmates ang napalaya sa panahon ng lockdown.

Tinukoy din ni Marquez ang promulgasyon ng tatlong convictions sa pamamagitan ng online o videoconferencing hearings.

Ang mga ito aniya ay ang kaso ng qualified human trafficking sa Angeles City, at ang large scale trafficking para sa prostitusyon at rape na parehong sa Cebu City.

Sa tatlong kaso anya ay sinentensyahan ng mga hukuman ang mga akusado ng Lifetime imprisonment at Reclusion perpetua.

Ayon kay Marquez, kung nais ng isang partido na dinggin ang kaso niya sa pamamagitan ng videoconferencing ay kailangan lang itong maghain ng mosyon.

Ang nasabing remedyo ay pwede sa parehong kasong kriminal at sibil.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: