Virus lockdown sa kapitolyo ng Australia, extended
Pinalawig pa ng mga awtoridad sa Austtalia hanggang sa kalagitnaan ng Oktubre, ang virus lockdown sa Canberra.
Halos nasa 400,000 mga residente sa Canberra ang nasa ilalim ng stay-at-home orders mula pa noong August 12, matapos ma-detect ang isang kaso ng Covid-19.
Ngayon na higit 250 na ang active cases, ang cluster na sanhi ng lubhang nakahahawang Delta variant ay namamalaging maliit ngunit pinag-iingatan pa rin sa siyudad na naiwasan ang mga outbreak.
Ayon kay Australian Capital Territory chief minister Andrew Barr . . . “Authorities wanted to limit transmission while ensuring Canberra becomes highly vaccinated. This is the safest path forward and it will lead to a safer December holiday, a safer summer holiday period and a safer 2022.”
Bumilis ang vaccine rollout ng Australia nitong nakalipas na mga buwan, dahil milyun-milyong katao na ang nais magpabakuna laluna yaong nasa ilalim ng lockdown sa mataong lugar sa bahaging timogsilangan kabilang na ang Sydney at Melbourne.
Halos 58% ng lampas 16 anyos sa rehiyon ang fully vaccinated na, ang pinakamataas na rate ng full vaccination sa Australia.
Samantala, nagkasundo ang state at federal leaders sa isang national roadmap para sa reopening kung saan malawakan nang aalisin ang mga restriksiyon sa border at travel, sa sandaling umabot na sa 70 at 80% ang double-dose vaccination.
Ang Australia ay nakapagtala ng higit 75,000 mga kaso, at higit 1,100 ang namatay mula nang mag-umpisa ang pandemya.