Virus restriction sa Finland, aalisin na kapag umabot ng 80% ang makakumpleto na ng bakuna
Aalisin na ang coronavirus restrictions sa Finland, sa sandaling umabot na sa 80% ng 13 anyos pataas ang makakumpleto na ng bakuna, na inaasahang maaabot pagdating ng Oktubre.
Ayon kay Prime Minister Sanna Marin . . . “Our aim is to open up society and keep it open. The advan cing vaccination coverage is our key to achieving that. Restrictions will be lifted gradually as the virus situation improves.”
Sa mga bansang kabilang sa European Union (EU), isa ang Finland sa napanarili ang mababang lebel ng infection, bagamat tumaas ang mga kaso nitong nakalipas na mga buwan partikular sa kalipunan ng hindi pa bakunado gaya ng mga kabataan.
Sa ulat ng public health authority na THL nitong Lunes, higit 130 libo ang kabuuan ng infections habang 1,036 ang Covid-related deaths sa bansang may 5.5 milyong populasyon, at 53.2% naman ang fully vaccinated na.
Una nang ipinanukala kahapon ng gobyerno, na aalisin na rin ang two-meter social distancing rule na kasalukuyang aplikable sa malalaking pagtitipon at cultural events.
Ang nabanggit na hakbang ay malamang na aprubahan na ng parliyamento sa mga susunod na araw.