“ Visas for sale “ iimbestigahan ng DFA
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aalamin nito ang katotohanan sa ulat na “visas for sale” sa isang embahada ng Pilipinas.
Kasunod ito ng isinulat sa isang column na may mga tauhan ang isang Philippine Embassy sa isang bansa na nangingikil ng P40,000 sa bawat dayuhang Visa applicant para maiproseso ang kanilang Visa.
Ayon sa DFA, hindi nito kinukunsinti ang anumang akto ng katiwalian sa Visa at Consular services sa mga foreign service post nito.
Siniseryoso anila ng kagawaran ang anumang akusasyon ng pangingikil at iba pang ilegal na aktibidad sa Visa processes nito.
Sinabi pa ng DFA na may nakalatag silang mga sistema para mabantayan ang proseso sa pag-iisyu ng Visa.
Kabilang na rito ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon para mabatid ang katotohanan sa lumabas na artikulo.
Siniguro ng DFA na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa foreign service posts at sa tourism at security sectors para mapagbuti ang mandato nito na mag-isyu ng Visas.
Moira Encina