Vitamin A deficiency, suliraning pangkalusugan pa rin sa maraming lugar sa bansa – ayon sa mga eksperto
Maaaring isipin na hindi isyu ang Vitamin -A deficiency o VAD dahil sagana ang supply ng gulay at prutas sa bansa.
Ngunit sa pag aaral ng mga eksperto, nananatili ang VAD na isa sa seryosong problemang pangkalusugan sa bansa.
Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute FNRI noong 2016.
Apektado ng VAD ang 19.6% ng mga batang isa hanggang limang taong gulang at 27.9% ng mga batang isang taon pababa.
Mayroon umanong 2.1 milyong batang Filipino ang mataas ang tsansa na mabulag o mamatay dahil sa nabanggit na deficiency.
Ang isang batang may VAD ay madali umanong kapitan ng sakit ang batang may v.a.d. kabilang sa mga sakit na maaaring dumapo ay tigdas, impeksyon sa baga, at diarrhea na siya umanong pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata sa mga developing countries gaya ng Pilipinas.
Ulat ni Belle Surara