Volkswagen Beetle na pinalamutian ng higit 2-milyong Glass Beads
Hindi maikakailang isa ang Volkswagen Beetle sa pinakasikat na sasakyan sa lahat ng panahon.
Ang produksyon nito ay nagsimula noong 1938 at nahinto noong 2003, kung saan higit 21 milyong unit ang nabuo.
Bilang kauna-unahang model na ginawa ng volkswagen, dinisenyo ito ni Ferdinand Porsche para maging sasakyang kayang bilhin ninuman.
Ang huling Beetle ay ginawa sa Mexico noong 2003, at direkta itong idineliver sa VW Museum sa Wolfsburg, Germany.
Sa panahon ng produksyon nito, marami sa mga may-ari ang nag-customize at lumikha ng mga unique example, pero walang hihigit sa pagiging unique o extraordinary ng “Vochol,” ang Beetle na may palamuting higit 2-milyong glass beads.
Ang Vochol ay kombinasyon ng “Vocho”, terminong gamit ng mga Mehikano para sa Beetle, at ng “Huichol” tawag sa isang grupo ng indigenous people. …..sila ay native mexicans na sikat dahil sa kanilang unique at colorful art pieces, na yari sa yarn, mga buto at mga bead.
Noong 2010, ang Huichol Artisans ay inatasang lagyan ng palamuti ang isang VW Beetle sa kanilang traditional style.
Ang proyekto ay pinondohan ng iba’t-ibang organisasyon na ang tanging layunin ay makalikha ng isang sining na magpo-promote sa Huichol culture at sa kanilang artistic skills.
Ang Vochol ay ginawa ng Huichol artisans sa loob ng 7-buwan, kung saan gumugol sila ng 4, 760-oras at 2,277,000 beads.
Ang mga salitang “100 years since the Mexican revolution” at “200 years of independence” ay nakasulat sa front fenders nito sa native Huichol language.
==============