Voluntary Repatriation sa mga OFWs sa Kuwait, sinimulan na ng DOLE

Sinimulan na ng Labor Department ang pagproseso ng pagpapauwi sa mga Overseas Filipino workers o OFWs na may mga problema o dumaranas ng pagmamalupit sa kanilang mga amo sa Kuwait.

Kasunod ito ng anunsyo ni Pangulong Duterte na ipatutupad na ang total deployment ban ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng ilang Pinay domestic helpers sa nasabing bansa.

Paro ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, magiging voluntary repatriation ang gagawin nila at sasagutin aniya ng pamahalaan ang gagastusin sa pamasahe ng mga Pilipinong nais nang umuwi ng bansa.

Samantala, ipinahayag ni Foreign affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na 800 mga undocumented OFWs mula Kuwait ang nakatakdang dumating sa bansa simula bukas, Pebrero 11 hanggang 13.

Karamihan sa mga uuwing Pinoy ang mga nagtatrabaho bilang household service workers.

 

===  end  ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *