Vote buying sa Barangay at SK elections, naitala ng Comelec
Nakapagtala ang Comelec ng mga insidente ng vote buying sa nagaganap na Brgy at SK elections ngayong araw.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, may mga insidente ng vote-buying sa Samar, Central Luzon at Western Visayas.
Pero sa NCR anya ay maliliit na problema pa lang ang naitatala tulad ng huling pagdating ng mga election officers kaya late din nagsimula ang botohan.
Isa pa anya sa karaniwang problema ay ang mga botanteng wala ang pangalan sa voters’ list
Sinabi pa ni Jimenez na may ilang lugar sa Mindanao na hindi pa nila makumpirma kung nakapagsimula na dahil sa cell-related issues o hirap sa komunikasyon
Samantala, inatasan ng Comelec ang mga election officers na bigyang prayoridad ang mga senior citizens, buntis at PWDs sa pagboto.
Ulat ni Moira Encina