Vote buying sa eleksyon sa Mayo pinababantayan ni Pangulong Duterte sa mga awtoridad
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police o PNP na bantayan ang kaayusan ng isasagawang halalan sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na isa sa problema tuwing eleksyon ay ang isyu ng vote buying na ginagawa ng mga tiwaling politiko.
Ayon sa Pangulo kailangang maparusahan ang mga namimili at nagbebenta ng boto dahil ito ay labag sa batas.
Inihayag ng Pangulo mahirap mahuli ang vote buying dahil ito ay pa sekretong ginagawa lalo na ngayong mayroon ng electronic paying system.
Niliwanag ng Pangulo kailangan ang pakikipagtulungan ng bawat botante upang hindi magtagumpay ang vote buying.
Vic Somintac
Please follow and like us: