Voter registration, gagawin ng Lunes-Biyernes simula Nov. 9, 2020
Simula November 9, 2020, gagawin nang Lunes hanggang Biyernes ang Voter Registration mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Matatandaang unang inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nang mag-resume ito ng registration noong September 1, 2020 na Martes hanggang Sabado ang Voter registration.
Ayon kay Comelec commissioner James Jimenez, ilalaan na kasi ang araw ng Sabado bilang Disinfection day sa lahat ng Comelec offices sa buong bansa.
Samantala, sinabi rin ni Jimenez na nananatiling suspendido ang Voter registration sa ga lugr na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) alinsunod sa Resolution No. 10674.
Muling nagpaalala ang Comelec sa publiko na mahigpit ang ipatutupad nilang Health protocol sa lahat ng tanggapan ng Comelec gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa Physical distancing at ang pagdadala ng sariling panulat o ballpen sa panahon ng registration.
Samantala, inanunsyo rin ng Comelec na suspendido ang Voter registration sa October 31 dahil sa Undas ng mga Katoliko at babalik ang operasyon sa November 3, 2020.