Voter registration sa mga lugar na nasa MECQ itutuloy muli simula Sept. 6
Inaprubahan na ng Commission on Elections na muling maipagpatuloy voter registration sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula sa Lunes, Setyembre 6, 2021.
Kabilang sa mga ilalim ng MECQ ay ang Metro Manila at mga kalapit lalawigan gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Nasa ilalim rin ng MECQ ang Bataan, Apayao, Ilocos Norte, Lucena City, Aklan, Iloilo province, Iloilo City at maging Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, at Cagayan de Oro City.
Ang mga nasabing lugar ay nasa ilalim ng MECQ hanggang Setyembre 7.
Ito ang kinumpirma ni Comelec Spokesperson James Jimenez matapos ang ginawang sesyon ng Commission en Banc.
Ang voter registration ay mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Maging ang mga voter registration sa malls ay papayagan na rin aniya ng Comelec sa mga nasabing lugar.
Ang voter registration ay hanggang Setyembre 30 na lamang.
Madz Moratillo