Voting population ng bansa target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 bago matapos ang 1st quarter ng taon
Sisikapin ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID 19 ang 100 percent ng voting population ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na kailangang masigurong may proteksyon kontra COVID-19 ang mga boboto sa isasagawang halalan sa May 9,2022.
Ayon kay Nograles papaspasan ng National Vaccination Operations Center ang pagbabakuna sa natitirang adult populations bago matapos ang buwan ng Marso o first quarter.
Inihayag ni Nograles ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa voting population ng bansa ay kontribusyon ng pamahalaan para matiyak na walang magiging hadlang sa pagdaraos ng halalan ngayong taon.
Iginiit ni Nograles na kailangang sundin parin ang ipinatutupad na standard health protocol na mask hugas iwas at bakuna.
Vic Somintac