VP Robredo, inanunsyong tatakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 Elections
Inanunsyo na ni Vice-President Leni Robredo na hangarin niyang tumakbo sa 2022 Elections bilang Pangulo ng bansa.
Sa kaniyang pahayag sa pamamagitan ng kaniyang official Facebook page sinabi nitong ang napakalaking hamon ng Pandemya ang nag-udyok sa kaniyang tumakbo dahil sa marami na ang namamatay at nagugutom.
Mabigat aniya na responsibilidad ang pagka-Pangulo, at hindi ito puwedeng ibase sa ambisyon o sa pag-uudyok ng iba.
“Ngayon sasabak tayo sa mas malaking laban. Iuubos ko ang aking buong lakas hindi lang sa halalan, ngunit para sa natitirang mga araw ko. Kailangan nating piliing humakbang. Heto ako ngayon, humahakbang“.
Si Robredo ay una nang inendorso ng 1Sambayan opposition coalition bilang kanilang standard bearer.