VP Robredo, muling haharangin sa PET ang election protest ni Marcos

Kumbinsido ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na natatakot si Vice President Leni Robredo na lumabas ang katotohanan na dinaya nila ang resulta ng halalan sa pagka pangalawang pangulo kaya inaantala nito ang pagdinig ng Korte Suprema sa kanyang electoral protest.

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty Vic Rodriguez, hindi na nila ikinagulat ang plano ng kampo ni Robredo na iapela muli sa Presidential Electoral Tribunal ang desisyon nito na ituloy ang pagdinig sa protesta ni Marcos.

Nagpapatunay anila ito na naghahanap pa rin si Robredo ng paraan para idelay ang paggulong ng election protest ni Marcos.

Giit ni  Rodriguez,  kung walang itinatago ang kampo ni Robredo ay bakit puro delaying tactics ang aksyon ng mga ito.

Ulat ni : Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *