VP Sara Duterte nasa Senado para idepensa ang budget ng OVP at DepEd
Personal na idinepensa ni Vice President Sara Duterte ang panukalang pondo ng office of the Vice President at Department of Education na kapuwa niya pinamumunuan.
Aabot na lang ngayon sa P 1.874 billion ang pondo ng OVP matapos kaltasin ang P 500 million na Confidential at Intelligence Funds tulad sa bersiyon ng Kamara.
Habang umaabot naman sa P 718.08 billion ang Budget ng DepEd, mas mababa sa dating proposal na P 758.6 billion matapos tapyasin ang P 150 million na CIF.
Nauna nang kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na inadopt ng Senado ang bersiyon ng Kamara sa isyu ng CIF kung saan tinapyas ang pondo para sa mga Civilian Agencies.
Ayon kay Duterte, igagalang nila ang anumang pasiya ng Senado.
Pero sabi ni Senador Imee Marcos, hindi pa pinal ang ginawang pagtapyas ng pondo.
Isasalang pa aniya ito sa deliberasiyon at debate ng mga Senador sa plenaryo tsaka ito isasalang sa botohan.
Meanne Corvera