VP Sara Duterte, pumalag sa mga alegasyon na siya ang dahilan ng kaso at pagkakaaresto kay Walden Bello
Pumalag si Vice President Sara Duterte – Carpio matapos siyang akusahang nasa likod ng kaso at pagkakaaresto kay dating Vice Presidential candidate Walden Bello .
Si Bello ay inaresto matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte sa kasong paglabag sa “Cybercrime Prevention Act of 2021”.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Duterte na dapat itigil na ni Bello ang paninisi sa kanya.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, matagal na siyang nananahimik kahit paulit-ulit ang ginawang pagbanat sa kanya ni Bello.
Sinunod niya anya ang payo ng kaniyang ama na huwag makinig sa anomang paninira lalo na sa kanilang pamilya.
Sa halip na maghanap ng masisisi at magpanggap na biktima ng umano ay political persecution, sinabi ni Duterte na dapat alam ni Bello na hindi nirerespeto ng lipunan ang mga mapagmataas.
Hindi rin aniya ginagarantiyahan ng freedom of speech ang pagyurak sa reputasyon ng iba.
Ang akusasyon rin aniya nito ay isang insulto sa prosecutors na nagpatupad lang naman ng rule of law.
Nagpapakilala aniya si Bello bilang isang international educator at human rights activist at nagpapanggap na perpekto na sana raw ay hindi tularan ng mga kabataang Pilipino.
Hamon niya kay Bello, mas makabubuting isalba na lang ang nalalabing dignidad at respeto sa kaniyang sarili.
Meanne Corvera