Wage adjustment pinamamadali ng DOLE
Kasunod ng record breaking na mga pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards na madaliin ang ginagawang pag-aaral sa kasalukuyang minimum wage sa bansa.
Ayon kay Bello ito ay upang matulungan ang mga manggagawa at kanilang pamilya sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.
Sinabi pa ng kalihim, ang napakataas na presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa Russia – Ukraine conflict ay maaaring maging compelling ground para magrekomenda ang wage boards ng adjustments sa minimum wage.
Sa kasalukuyan, ang daily minimum wage sa Metro Manila ay 537 pesos na hindi na sapat para makaagapay sa tumataas na presyo ng basic commodities.
Umaasa si Bello na bago matapos ang Abril ay makapagsumite ng rekomendasyon ang wage board.
Madz Moratillo