Wage hike malabo hanggat hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic
Wala munang aasahang wage increase ang mga manggagawang pinoy habang patuloy pa ang pandemya.
Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III kung magrerekumenda sila na magkaroon ng dagdag sweldo ngayon ay baka hindi ito kayanin ng mga employer.
Giit ng kalihim sa panahong ito ng pandemya mas mahalaga para sa mga manggagawa ang kanilang employment status.
Sa ngayon ayon kay Bello ay nasa 2 milyong manggagawa sa bansa ang naka flexible work arrangement.
Noong Abril ng nakaraang taon matatandaang naitala ang pinakamataas na unemployment rate sa bansa na umabot sa 17.6%.
Pero pagdating ng Oktubre ay bumaba naman ito sa 8.7%.
Madz Moratillo