Wage hike para sa mga Construction workers, isinusulong ng isang Labor group
Isinusulong ng isang Labor group na itaas ang suweldo at bigyan ng benepisyo ang mga manggagawa na nasa industriya ng construction sa Pilipinas.
Sa harap ito ng pahayag ng Pangulo hinggil sa kakulangan ng mga mangagawa na nasa construction industry dahilan kaya naantala ang Build, Build, Build program ng administrasyon.
Sinabi ni Allan Tanjusay ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na dapat itaas ng kaunti sa minimum wage ang suweldo ng mga manggagawa.
Dapat din aniyang bigyan ng magandang pasilidad ang mga construction workers gaya ng maayos at malinis na barracks o mga gusaling tinutuluyan.
Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), umaabot sa mahigit 200,000 mga manggagawa sa Construction industry ang kailangan pang mapunan ng gobyerno.
Kabilang na rito ang leadman, foreman, riggers, masons. steel men, carpenters, plumbers at mga surveyors.
Ulat ni Madelyn Moratillo