Wage hike sa minimum wage earners sa Region 7, aprubado na


Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Central Visayas ang dagdag sahod na 31 pesos paea sa minimum wage earners sa rehiyon.

Ayon sa Department of Labor and Employment, ang 31 peso per day wage hike na ito ay para sa lahat ng geographical areas sa Region 7 at sakop kapwa non-agriculture at agricultural workers.

Dahil rito ang minimum wage sa Region 7 ay magiging 435 pesos mula sa dating P387 sa non-agriculture sector at P435 na mula sa dating P382 sa Agricultural sector.

Inaprubahan rin ng wage board ang P500 wage hike sa buwang sahod ng mga kasambahay.

Dahil diyan ang kanilang minimum pay ay P5,500 at P4,500 naman para sa chartered cities at first class Municipalities, at iba pang munisipalidad.

Madelyn Viilar – Moratillo

Please follow and like us: