Wage increase inaprubahan ng Bicol Regional Tripartite Wages and Productivity Board
Inaprubahan na ng Bicol Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang 55 pesos na wage increase para sa minimum wage earners sa rehiyon.
Ayon sa Department of Labor and Employment, ang dagdag sahod ay ibibigay sa 2 tranch, ang una ay nagkakahalaga ng P35 na ibibigay kapag naging epektibo na ang wage hike.
Habang magiging epektibo naman ang karagdagan pang P20 sa Disyembre 1.
Dahil dyan, ang magiging bagong minimum wage rate na sa Bicol region ay P365 para sa lahat ng sektor.
Nabatid na 2018 pa ng huling magkaroon ng wage increase sa rehiyon.
Inaprubahan rin ng wage board ang dagdag sahod na 1 libong piso para sa mga kasambahay sa chartered cities at first-class municipalities at P1,500 para sa iba pang munisipalidad.
Ang magiging bagong monthly wage rate na ng mga kasambahay sa Bicol ay P4,000.Magiging epektibo ang wage increase 15 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.
Samantala, sa Cordillera Administrative Region naman ay inirekomenda na ng Regional Tripartite Wages & Productivity Board ang 50 hanggang 60 dagdag sahod para sa minimum wage earners.
Madelyn Villar-Moratillo