Wage increase sa mga guro malabo pa
Aminado ang Senado na mahihirapan ang gobyerno na ibigay ang hinihinging umento sa sahod ng mga pampublikong guro sa buong bansa.
Ayon kay Senador Francis Escudero, chairman ng Senate Committee on Education, kailangan munang magpasa ng panibagong batas para maibigay ang anumang wage increase gaya ng ginawa sa mga sundalo at pulis.
Gayunman, dapat magbigay muna ng Certification ang National Treasury kung saan kukunin ang pondo para sa wage hike.
May mga opsyon naman aniyang maaring pagpilian ang gobyerno gaya ng pangungutang, pagtatanggal ng kasalukuyang gastusin o proyekto ng gobyerno o kaya’y maggpasa ng panibagong buwis ang Kongreso.
Pero kailangan muna aniya itong pag-aralan ng mga Economic Managers dahil baka may may maapektuhang programa ang pamahalaan.
Ulat ni Meanne Corvera