Wala paring nakitang kaso ng Omicron variant mula sa mga sinuring sample- DOH

Wala paring kaso ng Omicron variant ng Covid-19 dito sa bansa.

Sa pinakahuling sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center, wala paring nakitang Omicron variant mula sa mga sinuring sample.

Ayon sa Department of Health, sa 48 samples mula sa 12 Returning Overseas Filipinos at 36 local cases mula sa mga lugar na may mataas na high-risk average daily attack rates at case clusters 38 ang nakitaan ng Delta variant.

Sa 38 na nakitaan ng Delta variant, 31 ang local cases habang returning overseas Filipinos ang 7.

Ang 2 ROF may travel history mula sa Turkey at tig-iisa naman mula sa Jordan, Mexico, Netherlands, Panama, at Peru.

Sa 31 local cases, 6 ang may addresses sa Cagayan Valley Region, habang 5 naman ang mula sa Cordillera Administrative Region, tig 3 naman sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, SOCCSKSARGEN, at National Capital Region, habang tig 2 sa Central Luzon at CALABARZON, at isa naman sa Davao Region.

Ayon sa DOH, sa mga nasabing kaso 1 nalang ang active case, nakarekober naman na ang 27 local at 7 ROF habang bineberipika naman ang tatlo.

Sa kabuuan, umabot na sa 7,886 ang naitalang kaso ng Delta variant sa bansa.

Nilinaw naman ng DOH na hindi pa kasama sa nasabing resulta ng genome sequencing ang samples mula sa mga pasahero mula sa South Africa at Burkina Faso pero nasa PGC na ito.

Habang ang sample mula naman sa pasahero mula sa Egypt ay ipinadala na rin sa PGC.

Madz Moratillo

Please follow and like us: