Walang karapatan ang China na maglagay ng istraktura sa Bajo de Masinloc
Ipinababaklas ng mga senador sa Philippine Coast Guard ang lahat ng illegal structures sa Bajo de Masinloc
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, walang karapatan ang China na maglagay ng anumang istruktura sa teritoryong sakop ng Pilipinas
Malaking panganib aniya ito para sa para sa mga dumadaang fishing boat at maaring makasira sa propeller ng makina
Iginiit ni Senador Francis Tolentino na labag sa International Law ang paglalagay ng floating barriers.
Ang Pilipinas lang aniya ang maaaring maglagay ng ganitong palatandaan kapag mag oil spill o bahagi ng aquaculture management bilang temporary measure
Meanne Corvera