Walang pekeng bigas sa Tarlac- NFA

 download
courtesy of wikipedia.org

Tiniyak ng National Food Authority o NFA-Tarlac sa publiko na walang pekeng mga bigas na ibinebenta sa lalawigan.

Ginawa ng ahensya ang pahayag matapos kumalat ang mga balita sa social media na may mga ibinebentang fake at mga plastic rice sa Tarlac.

Siniguro rin ng NFA na ang mga bigas sa lalawigan ay nagmumula sa mga accredited retailers at ligtas kainin.

Sa kabila nito, sinabi ng NFA na mahigpit ang kanilang monitoring at pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno para walang makapuslit na mga pekeng bigas sa mga pamilihan sa lalawigan.

Nanawagan rin ang kagawaran sa mga mamamayan na maging vigilante at mapagmatyag at iparating kaagad sa kinauukulan kapag may napansing kakaibang uri, amoy at lasa ng bigas na ibinebenta sa kanilang lugar.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *