Walang Pinoy na nadamay sa pagbaha sa Kenya – DFA
Walang Filipinong nadamay sa pagbaha sa Kenya.
Kasabay nito, nagpahayag ng pakikiramay si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa gobyerno ng Kenya dahil sa nagpapatuloy na kalamidad.
Sinabi pa ni Cayetano na nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Nairobi sa mga miyembro ng Filipino community para talagang matiyak na ligtas ang lahat ng mga Filipino.
Ayon sa kalihim, mismong si Ambassador Uriel Norman Garibay ang nagmomonitor sa sitwasyon ng may 346 Filipino sa Kenya.
Base sa mga ulat, noong Marso pa nang magsimula ang malakas na pagbuhos ng ulan sa mga lalawigan ng Garissa, Makueni, Isiolo, Tana river at Kilifi.
================